Monday, January 7, 2013

Mga Alaala ng 2012

Ang bilis ng mga nagdaang araw, akalain mo 2013 na!

Masasabi ko na naging maganda, makabuluhan at masaya ang ang mga pangyayari sa akin nitong taong nagdaan. Ako ay nagkaroon ng maraming oras sa pag-gala, tulad ng pag punta sa mga pasyalan, sinehan, at ibang mga lugar, kasama ng aking mga kaibigan, kabarkada, kasambahay, mga ka opisina, kapamilya, dating mga kamag-aral, at syempre nang buhay pag-ibig ko.

Kamangha mangha ang taong (2012) nagdaan sa pagkat dito ko nakilala ang mga tunay na kaibigan at dapat na samahan na nagbigay ng tiwala, kalinga, supresa, at tamang trato sa isang kaibigan na tulad ko. Mapalad ako at napabilang ako sa kanila. Nagkaroon ako nang kakampi, lakas, at tapang ng loob upang harapin ang reyalidad. Ang pagiging seryoso ko ay nabawasan at madalas ay tumatawa ako pag kasama ko sila.

Isa pa sa masasayang nangyari sa taong ito ay nakilala ko at natagpuan ang aking tunay na pag-ibig. Sa tingin ko ay siya na (Akala ko lang pala. lol).

Bagamat maraming magagandang nangyari, ang buhay ay hindi perperkto, may mga dagok na dumadating sa buhay. Sa nagdaang taon, natikman ko ang ibat ibang kritiko, puna, panlalait, pangungutya, at masasakit na komento nang ilang malalapit na tao, mga tao sa aking paligid, at ilang hindi mga kilalang tao. Masakit, nakakainis, nakakarindi, may totoo, at may hindi totoo sa kanilang mga pinagsasabi, at bintang. Dapatwat ganun ang nangyari, ibinukas ko ang aking pag-iisip, inisip ng maraming beses, binigyan ng puna ang ilang mga bagay bagay, at tinanggap ang ilang mga puna, at pilit binago ang mga dapat baguhin.

Masaya ako kung anuman ako ngayon. Salamat sa Panginoon sa lahat ng mga natanggap ko at nang aking pamilya, at sa mga naranasan kong mga pagpapala.

Naniniwala ako na sa taong ito, 2013, mas magiging makabuluhan ang aking buhay at mas maraming pagpapala ang darating. 

2 comments: